Шаг 155

Учиться

     

Mga Awit 118:10-29

10 Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.

11 Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.

12 Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y nangamatay na parang apoy ng mga dawag: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.

13 Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal: nguni't tulungan ako ng Panginoon.

14 Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.

15 Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid: ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.

16 Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi; ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.

17 Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay, at magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.

18 Pinarusahan akong mainam ng Panginoon; nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.

19 Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran; aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.

20 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon; papasukan ng matuwid.

21 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako! At ikaw ay naging aking kaligtasan.

22 Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok.

23 Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.

24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.

25 Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon: Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.

26 Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon: aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.

27 Ang Panginoon ay Dios, at binigyan niya kami ng liwanag; talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila sungay ng dambana.

28 Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo: ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.

29 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Mga Awit 119:1-40

1 Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.

2 Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.

3 Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.

4 Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap.

5 Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo!

6 Hindi nga ako mapapahiya, pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.

7 Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.

8 Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos.

9 Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.

10 Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.

11 Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.

12 Mapalad ka, Oh Panginoon: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.

13 Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.

14 Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat na kayamanan.

15 Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa iyong mga daan.

16 Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko kalilimutan ang iyong salita.

17 Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay; sa gayo'y aking susundin ang iyong salita.

18 Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan.

19 Ako'y nakikipamayan sa lupa: huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin.

20 Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.

21 Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, na nagsisihiwalay sa iyong mga utos.

22 Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo.

23 Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan.

24 Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo.

25 Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita.

26 Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.

27 Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa.

28 Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: iyong palakasin ako ayon sa iyong salita.

29 Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan.

30 Aking pinili ang daan ng pagtatapat: ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko.

31 Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.

32 Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso.

33 Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas.

34 Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso.

35 Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; sapagka't siya kong kinaaliwan.

36 Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman.

37 Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan.

38 Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, na ukol sa takot sa iyo.

39 Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.

40 Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; buhayin mo ako sa iyong katuwiran.